Arum, inihalintulad si Lomachenko kay Ali

Itinuturing naman ngayon ni top rank Big Boss Bob Arum na tila bersyon ng isang batang Muhammad Ali si Ukrainian boxer at two-division champion Vasyl Lomachenko.
Ito’y matapos umanong gumawa ng kasaysayan sa larangan ng boxing ang Ukrainian boxer makaraang makakuha kaagad ng World Champion sa dalawang weight classes sa loob lamang ng pitong laban.
Sa ngayon, may rekord si Lomachenko na anim na panalo at isang talo at sakaling muling manalo kontra kay WBO World Super Featherweight Champion Nicolas Walters ay aayusin niya agad ang pagharap nito laban kay Filipino boxing champion Manny “Pacman” Pacquiao.
Nakatakdang isagawa ang sagupaang Lomachenko-Walters bout sa Nobyembre bente-siyete sa Las Vegas sa Amerika.

https://www.youtube.com/watch?v=HYRC3IYfoi0