APRUB – Txtfire Philippines

Ang pinakamadali at mabisang paraan upang maipaalam ang Fire Alerts ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng sms o text message, ito ay isang systemang nakakatanggap ng mga reports na nave-verify ng isang operator at saka ito agad na idinidespatsiya sa lahat ng fire stations at mga bumbero. dahil dito, nabuo ang Txtfire Philippines na isang non-profit organization na tumutulong sa pagkalat ng impormasyon ukol sa sunog sa pamamagitan ng sms dispatcher server. ito ay may 60 modems at maaaring magpadala ng hanggang 600 messages kada minuto. kasama na rito ang lugar, oras at kalagayan ng sunog. Sa ngayon ay may 170,000 members sa buong bansa ang Txtfire sms system dispatcher.