Alessandra de Rossi, makakatambal sa pelikula ang komedyanteng si Empoy sa “Kita Kita”

Inspirado mula sa mga pelikulang Pido Dida na pinagbidahan nina Rene Requestas at Kris Aquino. Gayundin at tambalang Andrew E. at Sharon Cuneta noong 90’s.

Bagong love team bagong pelikula ang handog sa masang Pilipino ng Spring Films. Ito ang pelikulang “Kita Kita” na pinagtatambalan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Tungkol ito sa dalawang Pilipinong nagtatrabaho sa Japan.

Gaganap si Alessandra bilang si Lea, isang Velo taxi driver at tourist guide sa Japan. Si Empoy naman ay si Tonyo, isang english teacher.

Magkakaroon ng diperensya sa mata si Lea at dito niya makikilala si Tonyo na mamahalin niya.