Album na “Divide” ni Ed Sheeran, pasok sa Top 1 ng British chart

Muling nanguna ang bagong album na “Divide” ng British singer-songwriter na si  Ed Sheeran. Ito rin ang itinanghal na fastest selling by a solo male artist sa British chart history.

Ang kanyang nirelease na bagong album ay may mahigit 672,000 ang naibenta sa unang linggo pa lamang nito at tinuturing na pangatlo sa highest seller of all time.

Naging top selling single rin ang kanta niya na “Shape Of You” na mayroong 141,000 combined chart sales.

Nagawaran din ng “double platinum” status ang kanyang pangatlong studio album na nakabenta na ng aabot sa 500 records.

Pumangalawa naman sa puwesto ang album ni Adele na “25” at ang “Be Here Now” album ng Oasis.