AFP Chief Madrigal, nangako na magiging mapayapa ang plebisito ng BOL

(Eagle News) — Nangako si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Lieutenant General Benjamin Madrigal Jr., na maisasagawa ng mapayapa ang nalalapit na plebisito para sa pagpapatibay ng  Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Madrigal, buo ang kanilang suporta sa pagsasagawa ng plebisito ngayong buwan.

Sapat din aniya ang tropa na idedeploy sa ground para magkaloob ng seguridad.

Ang plebisito ng BOL ay isasagawa sa Enero 21 para sa mga botante sa mga lugar sa  Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City sa Basilan at Cotabato City.

Ang mga nakatira naman sa Lanao Del Norte maliban sa Iligan City at ang anim na munisipalidad ng Cotabato ay boboto sa Pebrero 6.

https://youtu.be/KyazoJzGVrM