Sen. Bongbong Marcos, handang magpa-DNA test kung makakatulong kay Sen. Poe

Handa raw sumailalim sa DNA test si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung makakatulong ito para mahanap ni Senador Grace Poe ang kaniyang biological relatives.

Kasunod ito ng pag-amin ni Poe na nag-negatibo ang ginawang DNA test sa kaniya at dalawang hinihinalang kamag-anak.

Ayon kay Marcos, gagawin niya ito para matigil na rin daw ang mga alegasyon ng pagiging magkapatid nila ng senador.

Kung magtutugma aniya ang kanilang DNA test, bukas palad nya itong tatanggapin sa kanilang pamilya.

Pero kumpiyansa si Marcos na malabong may matunton sa DNA test na magkapatid o magka dugo sila ni Poe.