Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Lingap sa Mamamayan sa Gen Santos City

(Eagle News) — General Santos City, South Cotabato: Nakalulungkot mang isipin na hindi pa rin natatapos ang pandemya, nakatutuwa namang pagmasdan ang hindi rin natatapos na diwa ng pagtutulungan at pagmamalasakitan. Ito ang nasaksihan sa isinagawang Worldwide Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo.