(Eagle News) – Nagbabala ang Food and Drug Administration ukol sa pekeng anti-rabies na ginamit ng isang ospital sa Pasig City.
Ito ang kinumpirma ng FDA kasunod nang imbestigasyon nila matapos aminin ng Medical City na peke ang itinurok nitong anti-rabies vaccine sa ilang pasyente nito noong nakalipas na taon.
Ayon pa sa FDA, sa Pilipinas gawa ang mga peke at hindi rehistradong anti-rabies vaccine na ginamit ng ospital.
Ayon kay Michelle Lapuz, director ng Legal Support Service Center ng FDA na peke ang verorab vaccine na may batch number H1833.
No comment muna si Lapuz dahil sa critical ang information bagaman tuluy-tuloy pa ang imbestigasyon nila rito at natukoy na nila ang distributor at manufacturer ng bakuna.
Bukod sa Medical City, naipamahagi rin umano ang pekeng bakuna sa 42 iba pang ospital.





