BSP, iniimbestigahan na ang nangyaring data breach sa Cebuana Lhuillier

(Eagle News) — Iniimbestigahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang napaulat ng data breach sa pawning and remittance firm na Cebuana Lhuillier.

Ang nasabing data breach ay nakaapekto sa personal na impormasyon ng nasa 900,000 na kliyente ng nasabing remittance firm.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas has recently been informed of a data breach incident involving Cebuana Lhuillier which affected personal information of about 900,000 clients,” ayon sa BSP.

Ayon sa BSP, nakikipag-ugnayan na sila sa concerned parties at mahigipit na mino-monitor ang sitwasyon para matiyak na ang na-expose na impormasyon ay hindi magamit sa fraudulent transactions.

“The BSP is closely monitoring the situation and coordinating with the concerned officers of CL to ensure timely remediation and that such exposed information will not be used for fraudulent transactions,” pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Noong nakaraang linggo, ipinagbigay-alam ng Cebuana Lhuillier sa mga kliyente nito sa pamamagitan ng e-mail na na-detect nila ang hindi otorisadong pag-download sa isa sa mga email server nito.

Maging ang National Privacy Commission (NPC) ay iniimbestigahan na rin ang nasabing insidente.