Esperon, naniniwalang hindi agad mawawala ang karahasan sa Mindanao pagkatapos ng plebisito

(Eagle News) — Aminado si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na hindi agad mawawala ang karahasang nagaganap sa Autonomous Region in Muslim Mindanao sa oras na matapos ang plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Esperon, mayroon pa ring iba’t-ibang rebeldeng grupo katulad ng Maute at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na paunti-unting sinusugpo upang mapigilan at mawala na ang mga karahasang nangyayari sa rehiyon.

Sinabi ni Esperon na wala nang kakayahan at hindi na makagalaw ang mga rebeldeng grupo sa lugar kung kaya mahigpit nilang binabantayan ang mga ito upang hindi na makapaghasik pa ng lagim.

Samantala, ayon kay Esperon, kapag naging matagumpay ang ginagawang plebisito, magiging maganda na ang pamamahala sa rehiyon dahil magkakaroon na ito ng mas malakas na parliamento.