(Eagle News) — Magsisimula na sa Lunes, Enero 13 ang gun ban para sa May 2019 midterm election.
Ayon kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde , nangangahulugan ito na hindi papayagan ang mga may-ari ng lisensyadong baril na magbitbit nito sa labas ng kanilang mga bahay, bagamat maaari naman aniyang makakuha ng exemption sa Commission on Elections na siyang magre-review ng applications.
Nilinaw ni Albayalde na exempted naman sa gun ban ang mga otoridad na naka-duty at naka-uniporme gayundin ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, National Bureau of Investigation at iba pang law enforcement agencies.
Uubra rin aniyang ma-exempt mula sa gun ban ang mga private security agency.
Para sa mga pulitikong may banta sa buhay, sinabi ni albayalde na maaaring mag-apply ng security escorts mula sa PNP-Police Security and Protection Group.
Kasabay nito, ibinunyag ni Albayalde ang aniya’y mahigit isang milyong loose firearms na nakakalat sa buong bansa.





