DND lumagda ng kontrata para sa suplay ng 50,000 pistols

(Eagle News) — Lumagda na sa isang bilyong pisong kasunduan ang Department of National Defense (DND) sa isang local gun manufacturer para mabigayan ng limampung (50) libong pistol ang Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, prayoridad na mabigyan ng karagdagang caliber .45 pistol ang Armed Forces of the Philippines – Special Operating Units maging ang mga miyembro ng Philippine National Police.

Mabibigyan rin ng karagdagang armas ang Special Operations Command, Light Reaction Battalions, at ang Special Warfare Group ng Philippine Navy.

Bahagi ang nasabing kontrata ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng mga armas para sa mga pulis at sundalo.

https://youtu.be/hXToz4cQ8vg