PAL, nagbabala laban sa pagbili ng ticket sa mga scammer

(Eagle News) — Nagbabala ang Philippine Airlines (PAL) sa publiko laban sa pagbili ng murang ticket na ibinebenta ng mga scammer sa mga social media site.

Ayon sa PAL, bultuhan kung bumili ng tickets ang mga scammer at ibinebenta nila ito sa online sa mababang halaga.

Ang mga buyer naman ay bibigyan ng pekeng identification cards para maka-avail ng ticket at naka-book sa ilalim ng gawa-gawa lamang na pangalan.

Ayon sa PAL, sinanay ang kanilang mga tauhan na tumukoy ng mga pekeng ID.

Kung pekeng ID aniya ang maipi-prinsita ay siguradong hindi matutuloy ang flight at mahaharap sa maraming problema.

Dagdag pa ng PAL, ang mga pasaherong mahuhuling gumagamit ng pekeng ID ay maaaring patawan ng paglabag sa Article 178 at Article 172 o ang falsification of public documents ng revised penal code.

Ang mahahatulang guilty ay maaaring makulong mula isang buwan hanggang dalawang buwan o hanggang anim na taon.

https://youtu.be/kYPkz6BGGBI