(Eagle News) — Nilinaw ng Malacañang na walang ginagawang crackdown ang pamahalaan laban sa mga makakaliwang grupo o labor leaders na nakapuwesto sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ng Malacañang matapos sibakin ni Pangulong Duterte ang natitirang miyembro ng makakaliwang grupo sa gobyerno na si Labor Undersecretary Joel Maglunsod na dating miyembro ng militanteng grupo kilusang Mayo Uno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang inaayawan lamang ng Pangulo ay ang mga illegal strikes dahil nakaaabala ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Iginiit pa ni Roque na may mga proseso na pinagdadaanan bago magsagawa ng strike.





