DTI, planong magbagsak ng murang well-milled rice sa mga pamilihan

(Eagle News) — Nakatuon ang atensyon ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na makapagdala sa mga pamilihan ng Php 38.00 na kada kilo ng well-milled rice at Php 50.00 kada kilo ng asukal.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, isinasaayos na nila ang mga kaukulang dokumento upang makapag-isyu sila ng permit sa mga importer and retailer na maaaring magbenta ng bigas at asukal na batay sa napagkasunduang presyo.

Katuwang nila rito ang Department of Agriculture (DA).

Aniya, nais niyang makatulong ito upang mapababa ang kaso ng inflation sa bansa.