Mga alkalde ng Pasig, Makati at Quezon City binatikos dahil sa mabagal na pagkansela ng klase

https://youtu.be/2ikd46MQ0KI

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Kapwa inulan ng batikos mula sa mga galit na residente ang mga lokal na pamahalaan ng Makati, Pasig at Quezon City.

Ito ay dahil sa hindi nila pag-aanunsyo agad ng kanselasyon ng klase sa kanilang nasasakupan sa harap ng patuloy na pag-ulan noong Huwebes, July 27.

Nabatid na 11:00 ng umaga nang mag-anunsyo si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ng class suspension sa kanilang lungsod.

Kapwa hindi naman natinag sina Makati Mayor Abigail Binay at Pasig Mayor Bobby Eusebio sa hindi paggawa ng anunsyo hinggil dito.

Kasunod nito, humingi naman ng paumanhin si Belmonte sa kanilang nasasakupan, sabay-sisi sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration dahil sa aniya’y hindi accurate na pagtaya nito sa lagay ng panahon.