Miss Universe candidates, dinaluhan ang mga aktibidad sa Baguio City

(Eagle News) — Dalawampu’t walong kandidata ng miss universe 2016 ang namasyal sa Baguio City para sa ilang activity ng Miss Universe Pageant.

Napuno ng makukulay na mga bulaklak ang float na sinakyan ng mga kandidata kasama si outgoing Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ang nasabing parade ay nilahukan ng nasa dalawang libo at limang daang estudyante mula sa ibat- ibang paaralan sa lungsod suot ang kani- kanilang folk costumes.

Nag enjoy rin ang mga kandidata sa strawberry picking  at bibigyan din sila ng formal dinner bilang pag- welcome sa mga ito.

https://youtu.be/wWAnoSFlpxw