MANILA, Philippines (Eagle News) –Pinuri ni Senador Richard Gordon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na aprubahan ang 1 thousand peso pension hike ng Social Security System (SSS).
Bina-bati ng senador ang desisyon ng pangulo na hatiin sa dalawang (2) bahagi ang 2 thousand pesos pension hike na tiyak namang ikalulugod ng 2.18 million pensioners sa bansa.
Nangako naman si Senador Gordon na magbibigay ng batas para palakasin ang SSS at tulungan ito sa kanilang pondo upang ma-paunlad ang buhay ng taong-bayan.





