74% ng mga Pinoy, tutol sa pagpapatupad ng Martial Law – Pulse Asia Survey

MANILA, Philippines (Eagle News)– Mayorya sa mga Pilipino ang nagsabi na hindi kailangang ipatupad ang Martial Law para maresolba ang mga problema na kinakaharap ngayon ng bansa.

Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula noong Disyembre 6 hanggang 11 ng nakaraang taon.

Ayon sa survey, 74 % ng 1,200 respondents ang nagsabi na tutol sila sa nasabing usapin.

Nakasaad rin na 12 % lamang umano ang sang-ayon na ipatupad ang Martial Law, habang 12 percent naman ang nananatiling ‘undecided’ sa usapin.

https://youtu.be/ikZqHr3U-X4