Cartoon character na si “Hello Kitty”, mapapanuod na live sa Pilipinas

(Eagle News) — Hindi maikakaila na maraming tumatangkilik sa cartoon character na si Hello Kitty, mapa matanda man o bata, .kaya naman isang malaking oportunidad ito na mapanuod ang “Hello Kitty Live-Fashion and Friends”.

Kakaiba ang magiging takbo ng stage show na ito dahil mapapanuod na nating nagsasalita ang character na si Hello Kitty at ang kaniyang mga kaibigan.

Tampok din dito ang musical performances, kung saan mapapanuod natin silang sumayaw kasama ang kanilang narrator na si Sofie.

Kasama ni Hello Kitty ang kaniyang mga kaibigan at kapamilya na sina my melody na kaniyang matalik na kaibigan, ang kaniyang twin sister na si Mimmy, at ang kaniyang boyfriend na si Dear Daniel.

Tampok din sa palabas na ito ang istorya tungkol sa friendship, talent, hardwork at passion.

Kaabang- abang din ang musical presentation nila tampok ang sikat na artist katulad ni Bruno Mars, Charli Xcx, Kylie Minogue, Florida at marami pang iba.

Mapapanuod ang “Hello Kitty Live-Fashion and Friends” sa Meralco Theater simula December 20, 2016 hanggang January 1, 2017.