6 na SAF troopers sugatan sa NPA ambush sa Antipolo

ANTIPOLO CITY, Philippines (Eagle News) — Umakyat na sa anim na tauhan ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ang nasugatan sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Antipolo City kahapon ng umaga.

Nabatid na sakay ng police mobile ang SAF commandos at pabalik na sana sa kanilang headquarters nang pagbabarilin ng hindi pa mabatid na dami ng mga rebelde sa Barangay San Jose.

Kinalala ang mga nasugatan na sina PO2 Brendo Cariño, Reymar Guevarra, Mark Andrew, Gran Omines, Joseph Alberca at Ryan Gonzales, pawang mga miyembro ng 33rd Special Action Company, 3rd Battalion.

Dalawa naman sa kanilang kasamahan na naunang naiulat na nawawala ay natagpuan kalaunan. Ligtas naman ang dalawang miyembro ng SAF.