40 miyembro ng Abu Sayyaf patay sa Sulu at Basilan

Eagle News — Umakyat na sa  apatnapung miyembro ng Abu Sayyaf ang patay sa nagpapatuloy at pinaigting na opensiba ng militar sa Sulu at Basilan.

Ayon kay Major  Filemon Tan, spokesman ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao command, isang sundalo ang nasawi habang nasa 20 bandido ang nasugatan base sa mga intelligence report.

Pinauulanan anya ng bomba ng militar gamit ang mga artillery at close-air support ang mga pinaniniwalaang pugad ng bandidong grupo.

Gayunman, aminado si Tan na wala pa silang natatanggap na impormasyon sa sitwasyon ng 14 na nalalabing bihag ng Abu Sayyaf Group.

Eagle News Service.