30 official bets ng “Gentlemen of the Philippines,” ipinakilala na

Ipinakilala na ang tatlumpung mga kandidato ng ‟Gentlemen of the Philippines 2016” sa mga media personnel at kalipunan ng mga press sa Sulu Riviera hotel poolside.

Ito ang kauna-unahang pageant ng mga kalalakihan bilang ‟Gentlemen of the Philippines” na itinataguyod bilang counterpart ng ‟Binibining Pilipinas” ng bansa.

Early 2016 lamang ito nagsimula. Ito ay isang male pageant na naglalayon na magbigay ng kahalagahan sa ilang usapin sa bansa tulad ng climate change, disaster risk reduction management, environmental awareness at iba pa.