30 biktima ng umano’y investment scam, nagpasaklolo sa NBI; babaeng suspek, nadakip

(Eagle News) — Nasa tatlumpung katao ang humingi ng saklolo sa National Bureau of Investigation matapos mabiktima ng isang money scheme na ang kanilang pera tutubo ng sampu hanggang dalawampung porsiyento base sa kapital na bibitawan.

Sa imbestigasyon ng NBI, 2015 ng magsimula ang panloloko ng suspek na si Bernadette Badinas na nagpakilalang empleyado ng Lugang Cafe at inaalok ang mga biktima na mag-invest ng pera sa naturang kumpanya na tutubo ng lingguhan at ang iba naman buwanan.

Ayon sa may-ari ng cafe naging empleyado nila si Badinas ng halos dalawang taon simula 2013 hanggang 2015. Pero nagkaroon aniya ito ng issue sa usapin ng pera kaya pinatalsik ito bilang office clerk sa kumpanya.

Hindi rin aniya alam ng pamunuan ng naturang cafe ang ginagawang panloloko ni Badinas na ginagamit ang kanilang kumpanya.

Kwento ng mga biktima mahusay magsalita ang suspek at talagang mapapaniwala sa mga sinasabi nito.
Ang katunayan, isa sa mga biktima pinsan ng mismo ng suspek.

Subalit sa halip anila na kumita, ayon sa napagusapan, nagtalbugan ang mga tseke na binibigay ng suspek.

Aabot sa labimg walong milyung piso ang pinakamalaking investment na naibigay sa suspek ng isang biktima.

Sa isang entrapment operation, nahuli ang suspect na nahaharap sa paglabag sa article 315 ng revised Penal Code ng bansa. (Erwin Temperante)