3 bus terminal, ipinasara; 7 iba pa, may notice sa “nose-in, nose-out policy” ng MMDA

(Eagle News) — Tatlong bus terminal ang ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pag-ooperate nang walang permit ng Quezon City at paglabag sa “Nose-in, Nose-out policy” na pinaiiral sa mga terminal sa EDSA.

Ang DLTB bus terminal ay nagkusa nang nagsara dahil walang terminal permit.

Samantala ang Roro Bus Line at Dimple Star ay inabutang nag ooperate pa at agad na pinatawan ng closure order dahil wala ring barangay permit.

Matapos mapatawan ng mga closure order ang tatlong terminal ay agad na nag-ikot pa ang mga tauhan ng MMDA upang magsagawa ng inspeksyon sa iba pang terminal along Edsa na sakop ng Quezon City.

Ang pito pang terminal na hindi naka comply sa “nose-in, nose-out policy” ay binigyan na ng notice na ipasasara kapag hindi makakasunod sa polisiya.

Ang mga pasahero ay inabisuhan ng MMDA na maaaring magtungo at sumakay sa Araneta Bus Terminal sa Cubao.

(Eagle News Service Jerold Tagbo)

https://youtu.be/fgYVN8nskz0