(Eagle News) — Nais ng Metro Pacific Tollways Corporation, operator ng North Luzon Expressway (NLEX) na itaas 21 percent ang bayad sa toll sa naturang highway.
Sakaling maaprubahan, ang minimum toll fee mula Balintawak hanggang Marilao, Bulacan ay aabot na sa Php 45.00 hanggang Php 54.00 para sa mga class 1 vehicles o mga pribadong sasakyan.
Mula Balintawak hanggang Tipo Exit papuntang Subic, Zambales ay aabot na sa Php 519.00 mula sa dating Php 429.00.
Ang proposal ay tatalakayin sa susunod na linggo sa unang pulong ngayong taon ng Metro Pacific Tollways at Toll Regulatory Board (TRB).
Sa ngayon, ayon kay TRB Spokesperson Alberto Suansing, ikinokonsidera nila ang epekto ng panukalang toll increase sa pasahe at presyo ng bilihin dahil ang NLEX ay isa sa mga pangunahing dinadaanan ng mga produkto mula sa hilagang Luzon.
Gayunman, kailangan din aniya na bumalanse ang gobyerno sa mga kahalintulad na isyu dahil may obligasyon ito sa private investors tulad ng Metro Pacific Tollways.
https://youtu.be/DcDZCSnscWs





