(Eagle News) — Nagbanta ng dalawang araw na nationwide transport strike ang grupong Piston sa pagpasok ng 2019.
Ito ay para iprotesta ang hindi malinaw at hindi patas na polisiya sa usapin ng tranportasyon.
Tiniyak ni Piston President George San Mateo na mapaparalisa nila ang transportasyon sa gagawing strike.
Sinabi ni San Mateo na ginagawang gatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) ang transport sector.
Maliban pa dito ang patuloy na pambu-bully sa kanila dahil sa pagsusulong ng phase-out sa mga luma nang jeep.
https://youtu.be/Ool_yYTAmv0





