12 oras na water interruption, mararanasan sa Las Piñas, Parañaque at Pasay

(Eagle News) – Labingdalawang oras mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Las Piñas, Parañaque at maging sa Pasay City.

Sa abiso na inilabas ng Maynilad Water Services Incorporated may isasagawang pipe network upgrade sa Parañaque City dahilan upang magkaroon ng water interruption.

Magsisimula ito bandang 9:00 ng gabi mamaya (Lunes, October 2)  hanggang 9:00 ng umaga bukas (Martes, October 3).

Narito ang mga barangay na apektado ng water interruption:

Las Piñas

  • Barangay Elias Aldana,
  • Ilaya
  • BF International Village/CAA
  • Manuyo Uno
  • Manuyo Dos

Parañaque City

  • BF Homes
  • La Huerta
  • Moonwalk
  • San Dionisio
  • San Isidro
  • Santo Niño

Samantala, magsasagawa naman ng maintenance activities ang Maynilad na magreresulta pa rin ng water interruption sa ilang barangay sa Pasay City at Quezon City.

Sa Pasay City magsisimulang mawalan ng suplay ng tubig bandang 9:00 ng gabi mamaya na tatagal hanggang 9:00 ng umaga bukas.

Dahil dito, apektado ang sumusunod na barangay ng Pasay City:

  • 183
  • 192
  • 193
  • 194
  • 195
  • 196
  • 197
  • 198
  • 199
  • Vitalez

 

https://www.youtube.com/watch?v=gSCgdfFHxbA&feature=youtu.be