12 bahay sa Quezon City, nasunog; mahigit P200,000 na halaga ng ari-arian, natupok

QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Aabot sa higit na P200,000 ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.

Bandang 1:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Carol Monsalud sa Batasan Hills.

Ayon sa kanya, matagal nang walang natutulog sa kwarto kung saan nagsimula ang apoy, at pawang mga gamit na lang umano ang nandoon.

Ayon kay Quezon City Fire Senior Superintendent Manuel Manuel, kumalat ang apoy hanggang sa matupok nito ang 12 bahay sa kabuuan.

Agad umano nilang itinaas sa ikatlong alarma ang sunog sapagkat walang pagkukunan ng supply ng tubig sa lugar.

Aabot sa higit na Php 200,000 na halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 

https://www.youtube.com/watch?v=S0DzJMvp7rc&feature=youtu.be

Paulo Macahilas