Tourist destinations, mahigpit na imo-monitor ng DENR

(Eagle News) — Nangako ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mas palalakasin pa ng kagawaran ang pagpapatupad ng environmental laws hindi lamang sa Boracay, kundi maging sa iba pang tourist attraction sa bansa.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, kasabay ito ng pagtatayo ng mga permanenteng opisina upang mapalakas ang pagpapatupad ng batas.

Ilan sa mga lugar na paglalagyan ng mga karagdagang pasilidad ay sa mga lalawigan ng Siargao, Palawan at Bohol.

Aniya, mahalaga ito upang mapanatili ang pagdagsa ng mga turista sa mga magagandang lugar sa bansa.

https://youtu.be/NNLuDY9jAHc