Sen. Trillanes kailangan pa ring magpa-alam sa Davao RTC kung bibiyahe patungong abroad

(Eagle News) — Kinakailangan pa rin ni Senador Antonio Trillanes IV na magpaalam sa Davao RTC na magbibiyahe ito abroad kahit pa nakapag-piyansa para sa kasong libelo.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), kailangan ng senador na maghain pa rin ng motion to travel sa Branch 54 ng Davao Court para siya ay makalabas ng bansa.

Ibig sabihin hindi garantiya ang pagpipiyansa ni Trillanes para ito ay makaalis ng bansa ngayong araw, Disyembre 11 patungong Europa.

Nakapagpiyansa ang senador sa kaso nito sa Makati City RTC Branch 150 noong Setyembre 25 pero naghain pa rin ito ng mosyon na makabyahe abroad.

Sinabi pa ng DOJ na sa oras na maghain ng motion to travel abroad si Trillanes ay nakatakda namang igiit ng DOJ sa hukuman ang pagiging flight risk ng mambabatas dahil sa mga kasong kinakaharap nito sa iba’t-ibang korte sa bansa.