Remittances, tumaas ng 2.4% noong Nobyembre

(Eagle News) — Tumaas ang personal remittances ng Overseas Filipino Workers noong buwan ng Nobyembre 2018.

Batay sa data na Inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang personal remittances o perang ipinadala sa pamamagitan ng cash o in kind ay lumago ng 2.4 percent.

2.8 percent naman ang itinaas sa mga perang ipinadala sa pamamagitan ng bangko.

Ayon sa BSP, ang paglago sa personal remittances sa unang labing-isang buwan ng 2018 ay dahil sa suporta ng remittance inflows mula sa land-based overseas Filipinos na may work contracts ng isang taon at mahigit pa.

https://youtu.be/WaIr8cdoI7s