Rehabilitation ng MRT-3, ipagpapaliban muna

(Eagle News) — Ipagpapaliban muna ng Department of Transportation ang proposal ng Metro Pacific Investments Corporation sa rehabilitasyon ng Metro Rail Transit o MRT-3.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nais ng gobyerno na magsagawa pa ng bid sa operations at maintenance ng MRT gamit ang solicited route.

Iba ito sa inimungakahi ng Metro Pacific Investments na gawing unsolicited ang gagawing bidding sa mag-sasaayos ng rehabilitasyon ng MRT-3.

Bukod rito, nais ng bansang Japan na magbigay ng loan term upang gamitin sa rehabilitation process.

Una nang hinawakan ng Sumitomo Corporation at Mitsubishi heavy industries ang maintenance operations sa unang labing dalawang (12) taon ng operasyon nito.