PHL-China joint exploration deal idinulog sa SC

(Eagle News) – Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang National Union of People’s Lawyers (NULP) at ilang lider ng militanteng grupo kaugnay sa constitutionality ng gagawing joint exploration sa South China Sea.
Anila, may nauna na silang petisyon ukol sa isyu ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sagot ang Korte Suprema ukol dito.

Mayo 21, 2008 nang magsumite ng petition sa Korte Suprema sina dating Bayan Rep. Satur Ocampo at Teddy Casiño laban kay dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Kaugnay ito sa isinagawang joint exploration sa South China Sea.

Pero lumipas na ang sampumg taon, hindi pa rin umano ito nareresolba ng Korte Suprema.

Inabutan na aniya ng panibagong kasunduanang usapin ng joint exploration ng Pilipinas at China ngunit hanggang ngayon wala pa ring malinaw na sagot sa kanilang unang petition.

Kasunduan ng PHL at China, pinagdudahan

Hindi naman aniya tutol ang grupo sa pag-unlad ng bansa at nauunawaan nila na wala pang sapat na kakayanan ang Pilipinas sa mga makabagong pamamaraan upang matukoy kung nasaan ang imbakan ng langis at iba pang mineral sa ating karagatan.

Ngunit maliwanag aniya sa ating constitution na 60/40 ang dapat na maging hatian sa kikitain sa naturang proyekto.

Maaari naman aniyang pumasok sa isang kasunduan ang pilipinas sa alinmang bansa maliban na lamang sa China dahil hindi aniya ito katiwa-tiwala.

Kasunduan ng PHL at China, tinutulan ng NULP

Sa dalawang araw na pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa, isa sa kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at China ang bagong joint exploration sa West Philippine Sea na mariin namang tinututulan ng National Union of Peoples Lawyer kasama na ng grupong bayan. (Eagle News Service Erwin Temperante)

https://youtu.be/AMzTjD496tg