Philippine Guidance and Counseling Association, Inc. (PGCA)

Ang Phillippine Guidance and Counseling Association ay dating kilala sa pangalang Philippine Guidance and Personnel Association, Inc. Nasa pamamatnugot ito ng PRC, mayroon ng dalawangpu’t limang chapters ang organisasyon na ito sa bansa.

Isa sa mga layunin ng kanilang organisasyon  ay upang pasiglahin, i-promote, at suportahan ang pananaliksik at iba pang mga propesyonal na gawain na makakatulong sa pagpapabuti ng patnubay at pagpapayo at edukasyon. Kaya sa mga bagay na ito, marami na silang natanggap na mga parangal. Layunin din ng organisasyong ito na magabayan ang mga kabataan upang hindi masira ang  kinabukasan ng  mga batang biktima tulad ng bullying, mga kabataang sangkot sa illegal na droga at biktima ng pang- aabuso.

Ngayong taon ay maraming mga programa ang Phillippine Guidance and Counselling Association, Inc. Tatalakayin ang mga programa at serbisyo gayundin ang kaalaman tungkol sa mga nagiging problema at ang solusyon sa mga kaso ng bullying ng mga bata sa itinuturing na pangalawang tahanan ” ang paaralan”.