Pangulong Duterte magbibigay ng housing assistance sa mga rebeldeng susuko

(Eagle News) — Nakahanda ang administrasyong Duterte na magkaloob ng housing assistance para sa mga rebeldeng susuko sa gobyerno.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagpahayag nito sa isinagawang groundbreaking ceremony ng Vista Alegre Homes sa Negros Occidental.

Maliban sa mga rebelde ay bukas rin ang pamahalaan sa pagbibigay ng housing assistance sa mga miyembro ng Kadamay na iligal na umuokupa ng housing units sa Pandi, Bulacan.

Hindi rin nakalimutan ng Pangulo ang pamilya ng mga sundalo at pulis bilang beneficiaries sa pabahay.