Pangulong Duterte, ipinag-utos ang mas mabilis na transaksyon sa mga paliparan para sa OFWs

Si Presidente Rodrigo Roa Duterte habang nagbibigay ng talumpati sa Philippine International Convention Center (PICC) Grounds sa Pasay City noong ika-6 ng Disyembre, 2018. /PCOO/

(Eagle News) — Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mabilis na transaksyon sa mga paliparan para sa Overseas Filipino Workers o OFWs.

Sa talumpati ng Pangulo sa Malacañang, sinabi niyang ang kapakanan ng mga OFW ang isa sa mga pangunahing prayoridad ng kaniyang administrasyon.

“No more human contact. You just swipe your two minutes, i-swipe mo lang ‘yung visa mo, you’re out. Wala nang tanung-tanong, no more human contact and that will be true and I’m ordering it now. You have to make it faster,” pahayag ng Pangulo.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Bureau of Immigration na bukas na ang labingwalong electronic gates sa tatlong international airports sa bansa.

Sa pamamagitan nito ay hindi na kinakailangan pang pumila ng mga Philippine passport holder sa mga immigration counter.

Sinabi rin ng Pangulo na dapat magkaroon ng hakbang para mapabuti ang kapakanan ng mga OFW.