Pamimigay ng bigas sa 4Ps beneficiaries, hindi tuloy – DSWD

Eagle News – Sa year-end conference sa Boracay kamakailan lamang, kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na hindi maibibigay ngayong 2016 ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na 20 kilo ng bigas na ibibigay sa bawat benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Kaugnay nito, ayon kay Beverly Salazar, focal person ng 4Ps, patuloy pa rin umanong inaalam ng DSWD central office kung bigas ba o cash na lamang ang ibibigay ng naturang ahensya.

Dagdag pa nito, patuloy pa aniyang ni-rereview ng ahensya ang bilang ng mga sambahayang benepisyaryo ng 4Ps.