Pamasahe sa PNR, planong itaas ngayong taon

(Eagle News) — Pinag-aaralan ng Philippine National Railways (PNR) ang posibilidad ng pagpapatupad ng taas-pasahe para sa taong ito.

Ito ay upang matugunan ang gastos sa kanilang operasyon at maintenance na epekto ng ikalawang bugso ng excise tax sa ilalim ng TRAIN law.

Ayon kay PNR General Manager Jun Magno, mayroon nang nabuong fare matrix ang kanilang planning team.

https://youtu.be/YDd4ET34HyE