Pagtataas ng multa sa illegal parking, ipatutupad na ng MMDA simula ngayong araw, Enero 7

(Eagle News) — Magpapataw na ng mas mataas na multa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa illegal parking simula ngayong araw, Enero 7.

Mula sa dating Php 200.00, ang mga attended vehicle na mahuhuling iligal na nakaparada ay mayroon nang Php 1,000.00 na multa.

Mula naman sa Php 500.00, tataas na sa Php 2,000.00 ang multa ng mga mahuhuling unattended vehicle.

Maliban sa iligal parking, tinaasan din ng mmda ang multa sa traffic obstruction sa Php 1,000.00 na dati ay nasa Php 150.00 lamang.

Maaari ring pagmultahin ang mga motorista na magpaparada sa labas ng kanilang bahay maliban sa mga nakatira sa mga pribadong subdivision.

Paliwanag ni MMDA General Manager Jojo Garcia, nagpatupad ang ilang local government unit ng ordinansa kaugnay sa one-sided parking.

Ngunit ani Garcia, dapat hindi ito ikonsidera ng mga opisyal ng barangay para gumawa ng sariling parking area.

https://youtu.be/bh4Uiv1vKf4