Opisyal na listahan ng mga kakandidato para sa 2019 elections, inaasahang ilalabas ngayong linggo

(Eagle News) — Inaasahang ilalabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong linggo ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa 2019 midterm election.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa halip na Disyembre 15, naurong ang petsa nang paglalabas ng listahan anumang araw mula Disyembre 17 hanggang 21.

Paliwanag ni Jimenez, layon nitong maayos ang lahat ng pending issues na may kinalaman sa kandidatura.

Gayunman, tiniyak ni Jimenez na hindi makakaapekto ang schedule ng mga aktibidad ng Comelec sa nalalapit na halalan.

https://youtu.be/MOy75jiIBPA