Isang kumpanya mula Thailand magbibigay ng Php 10 milyon sa PHL

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Magkakaloob ng 10 milyong piso ang isang Thai agricultural company sa Pilipinas.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol , magmumula ang pera sa Charoen Pokphand (CP) Group na pinamumunuan ni Chairman Dhanin Chearavanont.

Ibibigay ito para magamit sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga at sa Rural Development Program ng gobyerno.

Inanunsyo rin ni Piñol na ipinangako rin ng CP Group ang $2 billion investment sa Pilipinas para sa hog and poultry production.