Moviegoers ng “Guerrero” matiyagang pumila at naghintay sa isang mall


MALABON, Metro Manila (Eagle News) — Matiyagang pumila at naghintay sa last full show ang mga moviegoers upang mapanood ang indie film na “GUERRERO” sa isang mall sa Malabon noong Lunes.

Ang “Guerrero” ay kauna-unahang pelikula ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) Film ng isang internationally acclaimed director na si Carlo Ortega Cuevas.

Si Cuevas din ang sumulat at nag-direct ng “Walang Take Two” na isa ring indie film ng INCinema Productions na humakot din ng international awards tulad ng best film, best cinematography, at iba pa.

All-seats-taken ang Cinema 1 at 4 ng mall na ito sa may Sangandaan, Malabon na pinagtiyagaang hintayin ng mga manonood ang bawat pagtatapos ng screening hours upang sila naman ang makapasok sa sinehan.

Ito ang pangalawang araw ng showing ng pelikulang ito sa mga major theaters sa buong bansa, na nagsimula noong Nobyembre 12.

Pami-pamilya at magkaka-barkada ang magkaka-samang nanood at sa paglabas nila ay nagpahayag na hihintayin nila ang “part 2” ng naturang pelikula.