Miss Universe Pia Wurtzbach, ‘neutral’ sa Super bowl teams

Naging agaw-pansin si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa media night ng prestiyosong Super bowl 50 o ang taunang championship game ng National Football League (NFL) ng Estados Unidos.

Sa inilabas na ulat ng US News Magazine TV Program na Inside edition, humakot ng pinakamaraming manunuod ang nasabing 26-year-old Cagayan De Oro Beauty para sa nasabing Sporting event.

Ayon kay Wurtzbach, Ini-enjoy lamang niya ang pagiging on-the-scene reporter sa Super bowl sa kabila na malayo nga ito sa nakasanayang mundo ng Beauty pageant.

Sa panig naman ng magkatunggaling team, sinabi ni Wurtzbach na neutral lamang siya o walang pinapanigan sa magkatunggaling koponan dahil ang pinagtutuunan niya ng pansin ay ang kanyang trabaho hanggang sa Pebrero 8, na mismong araw ng pinaka-aabangang Super bowl 2016.