Lingap Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Batac City, Ilocos Norte, matagumpay na naisagawa

(Eagle News) — Payapa at matagumpay na naisagawa ng Iglesia Ni Cristo ang Lingap Pamamahayag sa Batac City, Ilocos Norte.

Ginanap ito sa Mariano Marcos State University covered court na dinagsa ng mga kaanib sa Iglesia Ni  kasama ang kanilang mga panauhin.

Ang pag-aaral ng mga salita ng Diyos ay pinangunahan ni Brother Alex Alimon na siyang District Minister ng INC sa Batac City, Ilocos Norte.

Pagkatapos ng pagtuturo ay pinanood ang isang video presentation na naglalaman ng mga matagumpay na aktibidad ng Iglesia ni Cristo sa iba’t ibang mga dako ng daigdig lalo na ang ginagawang paglingap sa napakaraming mga tao na di lamang sa bansang Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bago mag-uwian ang mga nagsidalo sa aktibidad na ito ay binigyan ang bawat isa ng relief goods.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga panauhin na nabahaginan ng mga aral ng Diyos na iyon ang pinakamahalaga at sa tinanggap nilang lingap.

(Eagle News Ilocos Norte Bureau, Butz Asuncion)