Libreng medical mission isinagawa sa Provincial Jail, Catbalogan City, Western Samar

CATBALOGAN CITY, Western Samar (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang libreng medical mission sa Provincial Jail ng Western Samar. Ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng ’29th Prison Awareness Week’ (October 24-30, 2016). Nasa 189 na mga inmates ang nakinabang sa libreng check up at gamot na ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon kay Reahlina Cajefe, in-charge sa nasabing programa, layunin ng aktibidad na maibigay ang kaukulang atensyon sa mga taong nasa bilangguan. Aniya, bagaman ang mga ito’y nakakulong ay nais aniyang maipadama pa rin sa kanila ang tunay na pagmamalasakit ng lokal na Pamahalaan.

Nagpasalamat ng marami ang mga inmates sa pagmamalasakit at atensyon na ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan lalo na kay Gobernadora Share Ann Tan.

Amie Dulalia at Jun Dulalia – EBC Correspondents, Catbalogan, Samar

unnamed-1

unnamed-2

unnamed-3

unnamed-4

unnamed-5