LGUs nagdeklara ng #WalangPasok ngayong araw, Hulyo 17, bunsod ng bagyong Henry

(Eagle News) – Nagkansela na ng pasok ang ilang mga lokal na pamahalaan ngayong Martes, Hulyo 17.

Sa abiso na inilabas ng mga local government, ang kanselasyon ng pasok ay bunsod ng masamang panahong dala ng bagyong Henry.

Kabilang sa mga walang pasok ang mga sumusunod:

  • Bataan (lahat ng antas, pribado at pampubliko)
  • Hagonoy, Bulacan (pre-school hanggang high school)
  • Naic, Cavite (lahat ng antas, pribado at pampubliko)
  • Batangas (lahat ng antas, pribado at pampubliko)
  • Morong, Rizal (lahat ng antas, pribado at pampubliko)
  • Calintaan, Mindoro Occidental
  • Coron, Palawan (pre-school hanggang high school)

Wala na ding pasok ang mga paaralan mula pre-School hanggang high school sa mga lugar kung saan nakataas ang Signal no. 1. (Eagle News Service)