Karamihan sa mga Pilipino, mas nagtitiwala sa U.S. at Japan ayon sa Pulse Asia Survey

MANILA, Philippines (Eagle News) — Marami sa mga Pilipino ang mas nagtitiwala sa Amerika at Japan, ayon sa bagong resulta ng survey na inilabas ng Pulse Asia.

Ito ay kahit pa may “disgusto” si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos dahil sa pakikipag-alyansa nito sa China at Russia.

Batay sa survey, nakakuha ng 76 %  trust rating ang Japan habang 70 % naman ang Amerika.

Ngunit, kung pinagkakatiwalaan ng karamihan ang nabanggit na dalawang bansa, lumabas naman sa survey na mahigit sa kalahati ng mga Pilipino ang hindi nagtitiwala sa China at Russia.

Nakakuha ng 61 %t distrust rating ang China, habang 58 percent naman ang Russia at 55 % ang Great Britain.

Habang ang Estados Unidos ay nakakuha lamang ng 23 % distrust rating at 29 % naman ang Japan.

Isinagawa ang survey noong Disyembre 6 hanggang 11 noong nakaraang taon sa 1,200 na respondents na may ±3 na margin of error.

https://youtu.be/2l2Wx6YWBnI