Karagdagang 56 tauhan ng Bureau of Immigration, idineploy sa iba’t-ibang paliparan sa bansa para sa holiday rush

(Eagle News) — Nagdagdag ang Bureau of Immigration ng mga tauhan nito sa iba’t-ibang international airports sa bansa bilang paghahanda sa holiday rush ngayong Disyembre.

Ayon kay BI oort Operations Division Chief Grifton Medina, nagpalabas na ng travel orders si Immigration Commissioner Jaime Morente sa 56 empleyado ng departamento na magreport na ngayong linggo sa kanilang mga assignment.

Ang mga immigration officer ay idineploy para umagapay sa pagproseso ng libu-libong mga international passengers na inaasahang papasok at lalabas ng bansa sa darating na holiday break.

Labing siyam sa mga ito ay inilagay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang 37 ay itinalaga sa mga paliparan sa Clark, Mactan, Kalibo at Davao.

Inaasahan ng BI na sa ikalawang linggo o ikatlong linggo ng Disyembre ang dagsa ng mga pasahero sa mga paliparan.

https://youtu.be/Hd2WvhQ2U4I