Jessie Vargas, isu-surprise raw si Pacquiao sa laban

Kakaibang Jessie Vargas umano ang posibleng makakaharap ni Filipino Boxing Champion at Senator Manny “Pacman” Pacquaio.

Ito ang tiniyak mismo ng trainer ni Vargas na si Dewey Cooper, dahil sa kakaibang ensayo at mas mataas na level rin ng training na kanilang ipinapatupad para kay Jessie.

Sinabi pa ni Vargas, ang bilis na ipinakita ng kaniyang alaga na tumalo kay Sadam Ali ang isa sa target nila na mahigitan pa.

Ang sagupaang pacquiao kontra Vargas ay isasagawa sa November 5 sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.